KROSSALITA NI VAHN PASCUAL
Across
- 3. - Itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan; nahahati sa yugto at tagpo salaysaying hubad sa katotohanan at ukol sa pinagmulan ng bagay
- 5. - Mahabang salaysay na nahahati sa kabanata at ginagalawan ng maraming tauhan
- 6. - Ang kanyang unang pangalan ay Lamberto at siya’y kilala bilang nagwagi nang ilang ulit na gantimpala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature sa maikling kwento, tula, at maging sa panunuring pampanitikan.
- 8. - Pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ukol sa isang suliranin o pangyayari
- 10. - Hubad sa katotohanan ngunit natutungkol sa mga hayop
- 12. - Ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito.
- 14. - Isa sa mga pinakatanyag na superhero na Pilipino na kung saan ay nilikha ang karakter para sa Pilipino Komiks ng manunulat na si Mars Ravelo at tagaguhit na si Nestor Redondo noong 1950.
- 16. - Ito ay kilala bilang isang obra-maestro ni Francisco Baltasar.
- 17. - Itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan; nahahati sa yugto at tagpo
- 18. - Ang kanyang apelyido ay Mangahas at ang kanyang tulang “Duiguang Plakard” ay kinilala ng mga kritiko.
- 19. - Kilala bilang si Federico Licsi Jr. at siya’y kilala ng may-akdang pitong antolohiya ng mga tula sa Filipino, Ingles, at Kastila.
Down
- 1. - Ang kanyang unang pangalan ay Fernando at kilala siya sa sagisag na Batubalani. Tinagurian din siyang makatang Laureado noong 1968.
- 2. - Ang kanyang apelyido ay Del Mundo at siya’y dating patnudot ng mga magasin sa Filipino at editoryal direktor sa Liwayway Publishing.
- 4. - Isang koridong Tagalog na isinulat ng hindi kilalang may-akda. Ang buong pamagat nito ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Prinsipeng Magkakapatid na Anak nina Haring Fernando at Reyna Valeriana sa kahariang Berbania.
- 7. - Kauna-unahang pelikulang Pilipino na kung saan ay mula sa direksyon ni Jose Nepumuceno.
- 9. - Isang dokyumentaryong pelikula noong 2019 na kung saan ay idinirehe ni Alyx Ayn Arumpac. Ito’y sumasalim sa mga naging biktima ng EJK o Extra Judicial Killing sa ilalim ng administrasyong Pangulong Duterte.
- 11. - Isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema para sa mga OFW (Overseas Filipino Workers) sa iba't ibang dako ng mundo. Sa natatanging pelikula na ito na sumikat sa takilya at kumita ng mahigit 110 milyon piso ay pinagbibidahan nina Vilma Santos at Claudine Baretto
- 13. - Ay ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora
- 15. - Kauna-unahang pelikulang Pilipino na may tunog at ipinalabas sa Radio Theater sa Plaza Sta. Cruz, Maynila.
- 17. - Ay isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay isang pagsasalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga magulong dekada ng 1970.