ANO ITO?
Across
- 3. Pag aalay ng isang awitin o tugtugin na isinasagawa sa labas ng tahanan ng nililigawan.
- 9. Tawag sa pormal na paghingi ng lalaki sa kamay ng babae sa magulang nito habang kaharap din ang kanyang mga magulang.
- 10. Ito ay isa sa pinakamatagal na kaugalian ng mga Pilipino tuwing kapaskuhan.
- 11. Ito ay ginagamit ng mga Pilipino upang magbigay galang sa kanilang kapwa higit na sa nakatatanda.
- 12. Isang pagtatanghal tungkol sa buhay ni Hesus na kadalasang isinasagawa sa lansangan o entablado.
- 13. Ito ay isa sa pinakakilalang katutubong sayaw sa Pilipinas at ito ay nagmula sa Leyte.
- 14. Isang binurdahang pantaas na kilala bilang pambansang kasuotan ng mga lalake sa Pilipinas.
- 15. Isa sa pinakamalaking pagdiriwang na ginugunita taon-taon sa iba't ibang dako ng Pilipinas.
Down
- 1. Tawag sa pagtutulungan ng mga tao sa isang komunidad.
- 2. Isang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga matatanda.
- 4. Pista ng mga bulaklak na ipinagdiriwang sa buong buwan ng Mayo bilang pagbibigay ng parangal kay Birheng Maria.
- 5. Isa sa pinakaginagamit na wika sa Pilipinas.
- 6. Isang magiliw na sayaw ng magkaparehang babae at lalake na animo‘y nasa akto ng nagliligawan.
- 7. Ito ay pambansang kasuotan ng mga babae sa Pilipinas na binubuo ng isang pantaas at isang palda.
- 8. Ito ang tinaguriang pambansang bulaklak ng Pilipinas.