4TH GRADING
Across
- 3. ito ay mga POs na itinayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan.
- 6. isang panukat na binuo ng Economist Intelligence Unit na tumutukoy sa kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo
- 8. mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa ano mang krimen.
- 9. binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya.
- 11. asawa ng yumaong na si Pangulong Franklin Roosevelt; pinangunahan ang pagtatag ng UDHR.
- 13. ALEGRE lungsod sa Brazil na nagpasimula ng participatory governance.
- 15. prosesong pinagdaraanan ng isang dayuhang nagnanais maging mamamayan ng isang estado.
- 18. kusang loob na pagbabalik sa dating pagkamamamayan.
- 20. isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
- 22. mga POs na binuo ng pamahalaan.
- 23. mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
- 25. pinakamahalagang elemento ng estado.
- 27. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
- 29. isang sektor ng lipunang hiwalay sa Estado; binubuo ito ng mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organization/ People’s Organization.
- 30. tawag sa mga lungsod-estado ng sinaunang Greece na binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
Down
- 1. pinangungunahan ng mga karaniwang mamamayan at hindi ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga samahang ito.
- 2. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang.
- 4. isang katipunan ng mga pangunahing simulain, pamantayan at doktrinang dapat sundin ng mga mamamayan.
- 5. proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao
- 7. kusang loob na pagtatakwil ng pagkamamamayan; hindi maaaring gawin sa panahon ng digmaan.
- 10. tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo III ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas
- 12. Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder; tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
- 14. karapatan o kapangyarihan ng mamamayanb na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
- 16. mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
- 17. isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng sumasakop sa isang tiyak na teritoryo.
- 19. pagiging miyembro ng isang samahang pampolitika at may karapatang sibil at politikal.
- 21. isang abogado; naglahad ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa.
- 24. katiwalian sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.
- 26. may ligal na basihan na naayon sa batas na itinakda at pinagtibay bilang gabay na dapat sundin at ipatupad.
- 28. isang pananaw sa pagkamamamayan; igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan.