Araling Panlipunan
Across
- 3. Indibidwal na may parehong ari ng lalaki at babae.
- 6. Pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala.
- 7. Salita na nangangahuluganag suliranin o problema.
- 10. Indibidwal na gustong kapareha ang parehong babae at lalaki.
- 11. Dahil dito maaaring sa halip na mahuhusay at matitinong opisyal ang manalo ay nadadaya ito.
- 12. Ito ay isang sea zone na pinanukala ng United Nations na ang isang estado ay may espesyal na karapatan na gamitin ang mga likas na yaman nito at magsagawa ng eksplorasyon.
- 13. Tumutukoy sa napakarami at napakahigpit na mga alituntunin na ipinatutupad ng mga proseso. Dito nag-uugat ang koraption.
- 14. Dito isinasaad ang karapatan at responsibilidad ng mga bansa at estado sa kani-kanilang teritoryo batay sa mga karagatan na nakapaligid sa kanila.
- 16. Tinatawag na Republic Act No.10354.
- 17. Pagnanakaw ng pera ng isang taong pinagkatiwalaan nito. Karaniwan ay ginagamit sa maling paggamit ng pondo ng pamahalaan.
- 20. Kalamidad na dulot ng pagbabago sa normal na estado ng kalikasan.
- 22. Lumilikas upang umiwas sa labanan.
- 24. Isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating saligang batas.
- 27. Babaeng ang nais na kapareha ay kapwa babae.
- 29. marami sa kanilang mga kwento aty itinago, inilihim at marami sa kanila ang nananahimik dahil sa takot.
- 32. Salita na ang ibig sabihin ay Kasalukuyan.
- 33. Paglabas ng mga produkto patungo sa ibang bansa.
- 35. Namumuong sama ng panahon. Pabilog o spiral na sistema ng marahas na hangin at may mabigat na ulan.
- 36. Isang phenomenon na nagsimula nang matagal na panahon subalit nagiging mahalaga ito sa mga huling dalawang siglo.
- 39. Pagsasapribado ng mga negosyo.
- 40. Paggamit ng katawan ng isang tao upang kumita ng pera.
Down
- 1. Indibidwal na hindi sumasamng-ayong mapasailalim sa anomang kategoryang pangkasarian.
- 2. Kalamidad na ang tao o ang kanyang mga gawain ang nagdudulot.
- 4. Ito ay isang underwater landmass na nagpatuloy mula sa dulo ng isang kontinente.
- 5. May kaalaman at kamalayan sa mga isyung panlipunan.
- 8. Pang-aabusong sekswal.
- 9. Mga nagkaroon ng sekswal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga lalaking mas gustong lalaki ang makatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha.
- 15. Tinatawag ding Fraud. Ito ay tumutukoy sa pandaraya o panlilinlang sa layuning makalamang o makakuha ng salapi o iba pang benepisyo.
- 18. Ito ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.
- 19. Kawalan ng trabaho
- 21. Biglaan at mabilis na pagyanig o pag uga ng lupa.
- 23. Ito ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar.
- 25. Lalaking ang nais na kapareha ay kapwa lalaki
- 26. Maaaring kuro-kuro o haka-haka lamang. Nagpapahiwatig ng saloobin ng isang tao.
- 28. Tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan.
- 30. Pagpasok, pag-aangkat, o pagtanggap ng produktong galing sa ibang bansa.
- 31. Panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinakda ng lipunan.
- 34. Ito ay isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng opisyal ng isang institusyon.
- 37. Galing sa salitang latin na ibig sabihin ay "Mamamayan"
- 38. Isang anyo ng politikal na koraption kung saan ang opisyal ng pamahalaan ay nagkakamali ng pinansyal na pakinabang sa hindi tapat o hindi legal na paraan.