Crossword PETA AP
Across
- 1. Estruktura ng pamilihan na iisa lamang ang mamimili.
- 4. Ang "invisible hand" na nagtatakda ng halaga ng produkto sa pamilihan.
- 8. Pangunahing pinagmumulan ng pondo ng pamahalaan mula sa mamamayan.
- 10. Uri ng pamilihan na iisa lamang ang nagtitinda ng produkto.
- 12. Sektor na nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon at kumokonsumo.
Down
- 2. Estruktura ng pamilihan na may kakaunting producer.
- 3. Ang suliranin ng pagkaubos ng mga propesyonal na manggagawa dahil sa pagtatrabaho sa ibang bansa.
- 5. Dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng producer.
- 6. Dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili.
- 7. Sobrang salapi ng sambahayan na inilalagak sa bangko para sa hinaharap.
- 9. Labis na supply ng produkto kapag mas mataas ang supply kaysa demand.
- 11. Institusyong pampinansyal na tumatanggap ng ipon at nagpapautang.