Crossword Puzzle
Across
- 2. - Ito ay tumutukoy sa paglipat ng mga tao sa ibang lugar upang doon manirahan.
- 7. - Ito ay ang pagbabagong klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhousegases na nagpapainit sa mundo.
- 9. - Ito ay isang phenomenon na nagsimula nang matagal na panahon subalit nagiging mahalaga ito sa mga huling dalawang siglo.
- 11. - Ito ang anumang pag-uuri, eksklusyon,o restriksyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang , at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga Karapatan o Kalayaan.
- 14. - Mga taong nakakanasang sekswal na miyembro ng kabilang kasarian.
- 15. - Ito ang mga taong walang trabaho na sa wastong gulang at mabuting pangagatawan.
- 16. - Ang tumututok at nagpapangalan ng bagyo sa Pilipinas at mauulit kada tatlong taon
- 17. - Ito ay isang maling gawi o kasanayang kinasasangkutan ng opisyal ng institusyon.
- 18. - Ito ang tawag sa mga taong lumilipat ng lugar.
- 19. - Ito ang migrasyon sa loob lamang ng bansa.
- 23. - Ang salitang ito ay nagmula sa salitang latin na ang ibig sabihin ay mamamayan
- 25. - Ito ang mga isyu na nangyayari makalipa sa ika-20 na taon hanngang ngayon na nakakaapekto sa atin.
- 27. - Paksa, tema, at suliranin na nakakaapekto sa ating mga taop at sa ating Lipunan.
- 30. - Ito ang katawagan sa pagkakaroon ng alitan ng mga magkakaratig na bansa o estado ukol sa kani-kanilang teritoryo.
- 31. - Ito ay tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal na katangian na nagtakda ng pagkakaiba ng babae at lalaki.
- 33. - Ito ang pagsasapribado ng mga Negosyo. Hinihikayat ng konsepto ng globalisasyon na isapribado ang mga negoisyo na hawak at pagmamay-ari ng gobyerno.
- 35. - Ito ang mga naapapanahong pangyayari na nakakapagbago at naka-aapekto sa kalagayan ng tao na kaniyang ginagalawan.
- 36. - Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyon, emosyonal, sekswal, at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
- 37. - Isa ito sa mahalagang katangian ng Philippine labour market sa pagkakaroon ng malaking bilang ng OFW.
- 39. - Ito ang tawag sa mga taong ginagamit ang kanilang katawan kapalit ang pera.
Down
- 1. - Ito ay isang uri ng mapa na ginagamit ng mga local sa pagtukoy ng mga lugar na Malaki ang posibilidad na laman ng sakuna o kalamidad.
- 2. - Ito ay mga kalamidad na ang tao o ang kaniyang mga gawain ang nagdulot
- 3. - Ang mga taong nagnanais na magkaroon pa ng karagdagang oras sa kanilang kasalukuyang trabaho o magkaroon pa ng karagdagang pagkakakitaan o bagong trabaho na may mahabang oras.
- 4. - Ito ay tumutukoy sa pagtatalagang isang katungkulan sa isang kamg-anak, kaibigan o malalapit a pamilya, binibigyan ng pabor ang mga mahal sa buhay na maitalaga sa iba’t-ibang katungkulan na hindi dumadaan sa tamang proseso.
- 5. - Ito ay isang pamilyang politiko na nagmamahala sa isang lugar at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginagampanan sa pamahalaan.
- 6. - Isang taong nagkakaroon ng sekswal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad nilang kasarian.
- 8. - Ito ay isang gawain na walang hinhingi o hinihintay na ano mang kapalit.
- 10. - Ito ay mga kalamidad na dulot ng pagbabago sa normal na estado
- 12. - Ito ay tumutukoy sa napakahigpit at napakaraming mga alintuntunin na ipinapatupad ng mga sangay ng gobyerno na siyan nagpapabagal ng mga proseso.
- 13. - ito ay itinuturing na pangyayaring nagdudulot ng malaking pinsala sa kapaligiran, ari-arian, kalusugan, at buhay ng mga tao sa lipunan.
- 20. - Ang mga nagtratrabaho sa ibang bansa ay nagpapadala ng pera na nakakatulong sa paglago ng domastikong ekonomiya.
- 21. - Ito ang batas sa Pilipinas na naglalayon na siguruhin ang pangkalahatang kalusugang pisikal, pangkaisipan, at panlipunan na may kinalaman sa reproductive system, paraan at proseso nito.
- 22. - Ito ay tumutukoy sa panlipunang gampanin, kilos at gawain na itinakda ng Lipunan para sa mga babae at lalaki.
- 24. - Ito ay isang anyo ng political na korapsiyon kung saan ang opisyal ng pamahalaan ay nag-kakamal ng pinansiyal na pakinabang sa hindi tapat o hini legal na paraan.
- 26. - Ito ang tawag noong unang panahon sa mamayan ng Pranses na kung saan ay ibinubuwis nila ang kanilang buhay para sa kaniyang kapuwa.
- 28. - Indibidwal na wala sa serbisyo ng pamahalaan na wala sa serbisyo ng pamahalaan o hindi nanunungkulan bilang sundalo subalit nakatutulong nang malaki sa kaniyang bayan.
- 29. - Ito ang atwag kapag lumilipat na ang mga tao sa ibang bansa upang doon manirahan.
- 32. - Ang mga taong nakararamdam ng atraksiyon sa dalawang kasarian.
- 34. - Ito ay itinuturing na pinakamatandang uri ng propesyon kung saan ginagamit ng mga tao ang kanilang sariling katawan upang kumite ng pera.
- 38. - Ito ay isang tradisyon sa China kung saan ay pinapaliit nila ang paa ng mga sinaunang kababaihan upang ipakita o ipakilala ang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.