Crossword Puzzle
Across
- 2. mabilis na pagkalat ng sakit sa maraming bansa sa buong daigdig
- 6. pagbabawal sa pagpasok-paglabas ng simumang naninirahan sa isang pook, maliban kung kailangang pumasok sa trabaho, bumili o kumuha ng batayang pangangailangan tulad ng pagkain at tubig, at iba pang katulad
- 9. kinukuskus ito sa kamay tuwing naghuhugas ng kamay upang matanggal ang dumi at mga mikrobyo
- 11. pagpapanatili ng isang metrong pagitan o higit pa sa ibang tao sa isang pampublikong lugar upang maiwasan ang posibilidad ng pagkalat ng nakahahawang sakit
Down
- 1. tinatakpan nito ang ilong at bibig ng may-suot upang maiwasan ang pagkalat ng napakaliliit na patak mula sa paghinga
- 3. pang-uri na naglalarawan sa isang taong may COVID19 na hindi nagpapakita ng kahit anumang sintomas
- 4. mga taong patuloy na naghahatid ng mahahalagang serbisyo at produkto sa panahon ng krisis ng COVID-19. Kabilang dito ang mga doktor, nars, at mga nagtatrabaho sa grocery at bangko
- 5. resulta ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Test (mas tinutukoy bilang swab test) na nagsasabi na walang COVID-19 ang isang tao
- 7. papuwersang paglalabas ng hangin mula sa baga
- 8. gamot na iniineksiyon sa katawan na panlaban sa sakit
- 10. sintomas kung saan ang temperatura ng katawan na higit sa 37ÂșC. Nagpapahiwatig ito na maaaring may impeksyon sa katawan ang isang tao
- 12. tawag sa sakit na dulot ng SARS-CoV-2 na birus