Gawain 1: Pambubulas, I-crossword Mo!

123456789101112
Across
  1. 2. ay isang pagkakapatiran na pinag-isa ng layuning mapalago ang aspetong intelektwal, pisikal at sosyal ng mga kasapi, ngunit kadalasan ay na-aabuso sa kasalukuyan at napag-ugatan ng karahasan.
  2. 3. ay pagsasamahan ng tatlo o mahigit pang indibidwal upang makalikha ng takot o intimidation.
  3. 4. uri ng pambubulas gamit ang pagsasalita o pagsusulat ng masasamang salita laban sa isang tao kagaya ng pangangantyaw, pangungutya, panunukso, panlalait, pang-aasar, paninigaw, pagmumura, pang-iinsulto, pagpapahiya sa iyo sa harap ng maraming tao, at iba pa.
  4. 6. uri ng pambubulas na may layuning sirain ang reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.
  5. 8. ay katangian ng isang tao o kabataan na madalas nabubulas dahil nakikitang kagyat ang galit na ipakikita kapag tinutukso o kinukutya.
  6. 10. ay ginagamit ng mambubulas upang maisakatuparan ang kanilang mga ninanais, napasusunod nila ang mga batang mas mahina sa kanila.
  7. 11. ang pinakapangunahin karahasan na nararanasan ng mga mag-aaral sa paaralan.
  8. 12. ay isang sinasadya at madalas na malisyosong pagtatangka ng isang tao o pangkat na saktan ang katawan o isipan ng isa o mahigit pang biktima sa paaralan.
Down
  1. 1. ay bunga ng pagtalikod ng taong gumagawa nito sa tunay at dalisay na kahulugan ng pagmamahal.
  2. 5. ay kaalaman sa sariling kalakasan at kahinahan.
  3. 7. ay panunukso, panglalait, pang-aasar o anumang aksyon na hindi angkop sa tamang pakikitungo sa isang tao gamit ang mga social networking sites tulad ng facebook, twitter, instagram at iba pa.
  4. 8. ay positibong pagtingin sa iyong sarili.
  5. 9. uri ng pambubulas gamit ang pisikal na pananakit sa isang indibidwal o pangkat at paninira ng kaniyang mga pag-aari.