Gawain 2: Si Rizal sa Ika-19 na Siglo ng Mundo at Pilipinas

1234567891011121314151617181920
Across
  1. 1. Sistemang pangkalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco na nag-ugnay sa Pilipinas at Mexico.
  2. 5. Patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kontrol at impluwensiya nito sa ibang mga lupain.
  3. 9. Mga digmaang sibil (Kastilang maka-autokratiko laban sa mga makaliberal) sa Espanya na naganap dahil sa tunggalian tungkol sa paghalili sa trono.
  4. 10. Sistemang panlipunan at pampolitika sa Europa kung saan ang lupa at kapangyarihan ay hawak ng mga "landlord".
  5. 13. Tawag sa mga paring kabilang sa mga orden ng relihiyoso na nagkaroon ng malaking kapangyarihan sa Pilipinas.
  6. 15. Pinakamataas na kinatawan ng hari ng Espanya at pinuno ng kolonyal na pamahalaan sa Pilipinas.
  7. 16. Sapilitang paggawa ng mga kalalakihang Pilipino para sa mga proyekto ng pamahalaang Espanyol.
  8. 18. Dating pangalan ng Taiwan na naging bahagi ng pagpapalawak ng kapangyarihan ng mga bansa noong ika-19 na siglo.
  9. 19. Labanan sa Mexico noong 1867 na nagwakas sa pamamahala ni Maximilian I bilang emperador.
  10. 20. Sistemang tumutukoy sa malaking impluwensiya at kapangyarihan ng mga prayle sa pamahalaan at lipunang Pilipino.
Down
  1. 2. Mga digmaan sa pagitan ng China at mga Kanluraning bansa na may kaugnayan sa kalakalan ng opyo.
  2. 3. Pangunahing sentro ng kalakalan at pamahalaan sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol.
  3. 4. Paniniwalang dapat maliit lamang ang pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya at malayang kumilos ang kalakalan.
  4. 6. Katawagan ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino noong panahon ng kolonyalismo. Ito ay salitang ginagamit bilang insulto sa mga Pilipino.
  5. 7. Mga edukado at nakapag-aral na Pilipino na naging mahalagang bahagi ng kilusang reporma noong panahon ni Rizal. Sila ay kilala bilang mga "middle-class" noong panahong ito.
  6. 8. Lehislatura o kapulungang gumagawa ng mga batas para sa Espanya at mga kolonya nito.
  7. 11. Daungan sa Mexico na naging kabilang dulo ng rutang pangkalakalan ng mga galleon mula Maynila.
  8. 12. Uri ng pamamahala na nagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok at pagboto.
  9. 14. Kilusang intelektuwal sa Europa na nagbigay-diin sa katwiran, kalayaan, at karapatan ng tao.
  10. 17. Puwersang pulisya ng pamahalaang Espanyol na itinatag upang panatilihin ang kaayusan sa Pilipinas.