Ikalawang Markahan AP Crossword Puzzle
Across
- 3. - Anong relihiyon o pilosopiya sa Asya na titingnan ang mga babae na nagbabawas sa kaban ng pamilya samantalang ang mga lalaki ang nagragdag dito?
- 4. Tinawag na cradle of civilization dahil nagsilbing lundayan ng mga sinaunang kabihasnan.
- 8. Ito ay naging importanteng bahagi sa kulturang Tsino dahil sa pagsusulat na tinawag na?
- 10. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng paggalang sa kalikasan.
- 11. Sa China ang tradisyong ito ay ang paa ng kababaihan ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbabalot ng bakal na sapatos.
- 12. Anong dinastiya sa Tsina ang nagka-watak-watak sa loob ng 400 taon?
- 13. Tawag sa paniniwala at pagsamba sa maraming diyos.
- 15. - Ano ang ipinagbawal sa mga kababaihan ayon sa probisyon ng Kodigo ni Hammurabi?
- 19. Sa imperyong ito pinamumunuan ng pinakamahusay na pinuno ng Maurya.
- 20. Ito ay isang salin sa pangalan ni Zoroaster.
Down
- 1. Pagkakaroon ng Caste System na nagdulot ng diskriminasyon sa lipunan.
- 2. Ito ang nabuong sistema ng pagsulat sa kabihasnang Indus.
- 5. Anong kabihasnan sa Mesopotamia ang gumamit ng salapi sa pakikipagkalakalan?
- 6. Ito ay isa sa mga paniniwala ng mga Hindu na kung saan sinasabi na ang bawat aksyon ay may kaakibat na parusa o gantimpala.
- 7. Ang salitang ito ay may ibig sabihin na pagmamahal sa karunungan.
- 9. Ito ay tinatawag na yellow River dahil pagkatapos ng pagbaha ang tubig nito ay nag iiwan ng loess o dilaw na lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing agrikultural na malapit dito.
- 14. - Anong kabihasnan sa Kanlurang Asya na may isang katibayan na mataas ang tingin sa babae dahil sa malaking papel ng reyna?
- 16. “Ang aming pangkat ang nagdala ng Hinduismo sa India”. Sino ang nagsabi ng pahayag na ito?
- 17. Ito ang naging wika ng mga Indo-Aryan loob ng 100 taon na dala ng Indo- aryan.
- 18. - Ano ang pinakaunang Imperyo sa daigdig?