KABIHASNANG MINOAN AT MYCENAEAN

1234567891011121314
Across
  1. 5. Ang tanyag na maskara na yari sa ginto na natuklasan sa Mycenae at nagpapatunay sa mayaman at maunlad nilang kultura.
  2. 6. Ang metal na natutunan nang gamitin ng mga tao sa huling bahagi ng kabihasnan na mas matigas at mas matibay kaysa sa tanso at bronse.
  3. 7. Larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dingding na basa ng plaster.
  4. 9. Ang tawag sa panahon sa kasaysayan ng Greece kung saan nawala ang sining ng pagsulat at bumagsak ang mga lungsod matapos ang paglusob ng mga Dorian.
  5. 11. Karagatan na bahagi o braso ng Mediterranean Sea na matatagpuan sa pagitan ng mga bansang Greece at Turkey.
  6. 12. Ang materyales na ginamit ng mga Minoan sa paggawa ng kanilang mga bahay, na kilala rin sa Tagalog bilang laryo.
  7. 14. Ang English na arkeologo na nagsagawa ng paghuhukay sa Knossos noong 1899.
Down
  1. 1. Ano ang salitang Latin na nangangahulugang "lupain" na pinagmulan ng salitang Mediterranean.
  2. 2. Ang sikat na makata na sumulat ng mga epikong Iliad at Odyssey kung saan nabanggit ang mga kabihasnang Minoan at Mycenaean.
  3. 3. Isang dambuhala na may ulo ng toro at katawang tao na ayon sa alamat ay naninirahan sa silong ng palasyo ng Knossos.
  4. 4. Isa sa mga pangunahing produktong gawa sa luwad na ipinagbibili ng mga taga-Crete sa ibang lugar.
  5. 6. Isang uri ng palakasan o ritwal na madalas na inilalarawan sa mga fresco ng mga Minoan kung saan sumasayaw o sumisirko sa ibabaw ng toro.
  6. 8. Ito ang pinakamalaki at pinakamataong isla sa mga Islang Griyego kung saan umusbong ang unang kabihasnan.
  7. 10. Ang lungsod na nagsilbing kabisera ng Kabihasnang Minoan.
  8. 13. Ang estruktura kung saan ang mga Minoan ang kinikilalang unang nakagawa nito sa buong daigdig upang pagdausan ng labanan sa boksing.