KrosPanitikan

123456789101112131415
Across
  1. 3. Katumbas ng salawikain ng mga Tagalog at tulad ng bugtong binibigkas din ito sa pampublikong salu-salo tulad ng lamay at kasal.
  2. 7. Isang awiting bayan mula sa Kapampangan tungkol sa pag-ibig o “love song” para sa isang taong minamahal sa romantikong paraan.
  3. 10. Isang awiting bayan mula sa Kapampangan tungkol sa pag-ibig para sa pamilya at kaibigan.
  4. 11. Ito ay isang alamat mula sa panitikan ng Bikol at sinasabing dito hinalaw ang pangalan ng Bulkang Mayon.
  5. 13. Isang kantahing bayan mula sa Iloko na ginagamit sa mga kasalan, binyag at ibang pang pagtitipon na sinasaliwan ng sayaw at pagbibigay ng payo sa bagong kasal.
  6. 14. Siya ang may pinakadakilang pangalan sa larangan ng dulaang Ilokano. Isa sa kaniyang obra maestra ay ang akdang codigo municipal.
  7. 15. Mula sa panitikan ng Kanlurang Visayas, ito ay isang katipunan ng mga tuntunin ng kabutihang asal at ng mga salaysay ng paghahalimbawa ng nasabing tuntunin. Hindi rin ito epiko sapagkat hindi ito nakasulat nang patula.
Down
  1. 1. Isang uri ng panitikan na umusbong sa panahon ng himagsikan ng mga Kastila​. Sinasabing ito ang piinakamaiksing tulang katutubo sa Kanlurang Visayas.
  2. 2. Siya ay pangunahin at bidang tauhan sa epiko ng Ibalon at itinuturing na bayani ng mga taga Bicol.
  3. 4. Ito ang tawag sa bugtong ng mga taga Bikol
  4. 5. Ang panitikan na uto ay mula sa tradisyon kung saan ang mga bata noon ay nagpupunta sa ilalim ng puno ng bayabas at doon nakikinig ng mga kuwento, bugtong, salawikain, at awiting bayan.​
  5. 6. Tawag sa hele o pampatulog ng mga Kapampangan.
  6. 8. Isang malayang tatudturan na may labimpitong pantig (575)
  7. 9. Tinatawag na “walker” ngayon, ito ay tradisyunal na ginagamit upang masanay ang isang bata na lumakad. Ito ay mula sa wikang Espanyol na ang kahulugan ay tagapagpakilos.
  8. 12. Kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na binubuo ng isang partikular na relihiyon o paniniwala.