Mga Paksa sa 1st- 3rd Quarter Filipino
Across
- 1. ang pang-abay na nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol.
- 4. nagbabadya ng pagwawakas
- 5. ang pang-abay na naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa
- 9. ang pang-abay na nagsasaad ng paggalang
- 10. nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya, talaga,syempre at iba pa
- 14. ang pang-abay na nagbabadya ng hindi o kawalan ng katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa
- 15. pinag-uugnay ang magkakasinghalaga o magkapantay ang kaisipan
- 18. Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita. Mga halimbawa: pulang-pula,puting-puti,araw-araw gabi-gabi. hindi inuulit ang mga salitang: halo-halo, paru-paro.
- 19. ginagamit sa pagtutulad ng dalawang mga bagay
Down
- 1. isang uri ng pang-abay na nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari.
- 2. naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang pinaghahambingan
- 3. may ibig itangi sa dalawa o ilang bagay at kaisipan
- 4. nagsasaad ito ng pag-aalinglangan
- 5. pang-abay na pampanukat ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat.
- 6. Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
- 7. ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng pinaghahambingan.
- 8. kung sa tambalang pangungusap ang ikalawa ay sinasalungat ang una
- 9. naglalarawan Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip.
- 10. Ang pang-abay na nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa
- 11. Ito'y binubuo ng mga salitang-ugat lamang. Mga halimbawa: hinog, sabog, ganda
- 12. nagsasaad ng kadahilanan at pangangatwiran
- 13. nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
- 16. Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal. Mga halimbawa: ningas-kugon, ngiting-aso, balat-sibuyas, kapit-tuko at bahag buntot.
- 17. Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main, ma-hin, -in, -hin, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-