Modyul 16
Across
- 1. Kakayahan upang ipatupad ang isang pasiya, kapasidad upang maka-impluwensiya sa saloobin at pag-uugali ng iba, at lumikha ng panukala na makabubuti sa lahat.
- 3. Ingles ng Panunuhol.
- 6. Mas karaniwang kilala bilang pustahan gamit ang pera bilang produkto ng isang tiyak na laro.
- 8. Ayon sa kaniya, ang kabihasnan ng tao ay naaayon sa pagkamasalimuot ng mga kagamitan at sa pagkamulat niya sa kaniyang ginagawa.
- 9. Bawat kagamitan sa paggawa ay kailangang gamitin nang may _______ dahil ito ang inaasahan at tungkulin ng isang matapat ay mabuting manggagawa.
- 10. Nangyayari ito kapag nangibabaw ang personal na interes ng isang tao lalo na kung ito ay magbibigay sa kaniya ng kasiyahan at pakinabang.
- 11. Ang mga ______ tulad ng pagtaya sa lotto, roleta, jueteng, sabong o cockfighting, pustahan sa mga laro tulad ng dota, ending, boksing, madjong poker ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga gawaing ito kung hahayaan ay magiging bisyo.
- 14. Ang magkakasalungat na interes ay kapag ikaw o ang isang kamag-anak ay may pinansiyal na interes, trabaho, o posisyon sa isang kompanya na iyong pinapasukan.
- 16. Kapag umiral sa ating puso ang mga ito sa kapuwa, maaaring maging ugat ito ng mga mapanirang salita, na hindi lamang ang kapuwa ang maapektuhan kundi ang pagbuo ng sarili.
- 18. Ingles ng Magkasalungat na Interes.
- 20. May kakayahan ang taong piliin kung paano siya kikilos o tutugon sa nararanasan.
- 22. Sa bawat pagpipilian, mahalaga ang masusing ___________________ ng anumang isasagawang kilos dahil mayroon itong katumbas na pananagutan na dapat isaalang-alang.
- 24. Isang gawain ng pagbibigay ng kaloob o handog sa anyo ng salapi o regalo pamalit sa pabor na ibinigay ng tumanggap.
- 25. Ito ay iligal na pandadaya o panloloko.
- 27. May mga manggagawa na naniniwala na ang paggamit ng mga kagamitan sa sariling kapakanan ay isang _________.
- 28. Ang lahat ng paghirang o pagkiling ng kawani sa pamahalaan, maging pambansa at sa alin mang sangay o ahensiya nito, kabilang ang mga korporasyon na ari o kontrolado ng pamahalaan, na igagawad sa kamag-anak na hindi dumaraan sa tamang proseso.
- 29. Ayon sa kaniya na nagsasabing "Kung gusto mo ang pagbabago at kung gusto mo ng mas maayos na buhay, dapat simulan mo ito sa inyong sarili."
- 30. Halimbawa ng mga kagamitan sa paggawa na napakahalaga sa pagpapabilis ng gawain ng tao.
Down
- 2. Katuwang ng tao sa paggawa ang mga kagamitan upang mapadali at mapagaan ang anumang trabaho.
- 4. Ito ang pagtanggap ng anumang regalo o pabor mula sa sinumang tao bilang kapalit sa ginawang paglilingkod.
- 5. Magiging makabuluhan ang mga gawain kung malaya mong gagampanan ang mga tungkulin na may __________________ na bahagi ito ng pananagutan bilang tao.
- 7. Ang ______ ng isang tao ay nakakabit sa kaniyang sarili, sa kakayahang kumilos at sa sariling kagustuhan, sa pagpigil sa sarili at sa pagpapasiya kung ano ang gagawin.
- 12. Malayang gawin ng tao ang lahat ng kaniyang nais, ngunit dapat laging tandaan na mayroon siyang kaakibat na _________ sa kalalabasan ng kaniyang pagpili.
- 13. Ingles ng Kautusang Walang Pasubali.
- 15. Ang pagkilos sa ngalan ng tungkulin.
- 17. Bahaging napupunta sa isang opisyal mula sa mga pondong itinalaga sa kaniya.
- 19. Ang _________________ ng tao ang mga biyayang kaloob upang mapabuti nito ang kalagayang pansarili at kapuwa.
- 21. Kailangang magkaroon ang tao nito, upang maiwasan ang mga isyung ito.
- 23. Sa simula ng paglikha ng Diyos, inilaan na siya upang gumawa ng mga katangi-tanging gawain, at siya lamang ang binigyan ng natatanging talino.
- 26. Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera.