PALAISIPAN: Tauhan at Simbolo sa Scrooge the Musical
Across
- 3. Ako’y matandang lalaking kuripot, ayaw magbigay at laging masungit. Ngunit sa dulo’y nagbago, naging mabait at mapagbigay. Sino ako?
- 5. Ako ang unang espiritung bumisita kay Scrooge. Ipinaaalaala ko ang kanyang nakaraan—masaya man o masakit. Sino ako?
- 7. Ako ang espiritung tahimik at misteryoso. Ipinakikita ko kay Scrooge ang kinabukasan at ang maaaring mangyari kung hindi siya magbabago. Sino ako?
- 8. Ako’y kaluluwang nagbalik mula sa kamatayan. Naka-kadena ang aking katawan bilang parusa sa aking pagiging sakim. Sino ako?
- 10. Ako ang matagal nang minahal ni Scrooge noong kabataan niya. Umalis ako nang piliin niya ang pera kaysa sa pag-ibig. Sino ako?
Down
- 1. Ako ang espiritong nagpapakita ng kasalukuyan—kung ano ang nangyayari sa mga tao sa paligid ni Scrooge. Sino ako?
- 2. Ako ang mapagmahal at matiising asawa ni Bob Cratchit. Pinapakita ko ang kahalagahan ng pamilya. Sino ako?
- 4. Ako’y batang payat at may mabuting puso. Kahit mahirap ang pamilya ko, masaya pa rin ako. Madalas ko ring sabihin ang “God bless us, everyone!” Sino ako?
- 6. Ako ang simbolo ng bigat ng kasalanan at pagiging sakim. Makikita ako sa katawan ni Jacob Marley. Ano ako? (in Tagalog)
- 9. Ako ang pamangkin na laging masayahin at nag-anyaya sa kanyang tiyuhin sa Pasko. Sino ako?