PANAHON NG MGA KASTILA

1234567891011121314151617181920
Across
  1. 2. HUMALILI SA BAYBAYIN NA GINAMIT NG MGA KASTILA SA MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA KANILANG ISINUSULAT.
  2. 5. kauna-unahang AKLAT NA NALIMBAG SA FILIPINAS NOONG 1593, SA PAMAMAGITAN NG SILOGRAPIKO. AKDA NINA PADRE JUAN DE PLACENCIA AT PADRE DOMINGO NIEVA. BINUBUO ITO NG AVE MARIA, REGINA CAELI, SAMPUNG UTOS NG DIYOS, MGA UTOS NG SANTA IGLESIA KATOLIKO AT IBA PA.
  3. 9. UNANG AKLAT SA BIKOL NA SINULAT NI PADRE MARCOS LISBOA NOONG 1754
  4. 13. KAUNA-UNAHANG TALASALITAAN SA TAGALOG NA ISINULAT NI PADRE PEDRO DE SAN BUENAVENTURA NOONG 1613.
  5. 15. ITO ANG PANGUNAHING GINAMIT NG MGA KASTILA UPANG MASAKOP ANG FILIPINAS.
  6. 16. TINATANGHAL SA MGA ARAW NG PISTA NG BAYAN O NG NAYON UPANG MAGDULOT NG ALIW SA TAO AT LAGING IPINAAALALA SA MGA ITO ANG KABUTIHANG DULOT NG RELIHIYONG KRISTYANO.
  7. 18. NAGPAPAHAYAG NG MATULAING DAMDAMIN NG MGA PILIPINO. IPINAPAKITA RIN NITO ANG LIKAS NA PAGPAPAHALAGA AT MAIBIGIN SA KAGANDAHAN NG MGA PILIPINO.
  8. 20. AKDA NI MODESTO DE CASTRO. NAGLALAMAN NG PAGSUSULATAN NG MAGKAPATID NA SINA URBANA AT FELISA. PAWANG TUNGKOL SA KABUTIHANG-ASAL ANG NILALAMAN NG AKLAT NA ITO, KAYA’T MALAKI ANG NAGAWANG IMPLUWENSIYA NITO SA KAUGALIANG PANLIPUNAN NG MGA PILIPINO.
Down
  1. 1. UNANG AKLAT PANG-WIKA SA KAPAMPANGAN NA SINULAT NI PADRE DIEGO BERGANO NOONG 1732.
  2. 3. ANG IKATLONG AKLAT NA NALIMBAG SA FILIPINAS. AKDA ITO NI PADRE ANTONIO DE BORJA. PINAPALAGAY NA KAUNA-UNAHANG NOBELANG NAPALIMBAG SA FILIPINAS.
  3. 4. ISANG MAHABANG TULANG NAGPAPARANGAL SA ISANG MAY KAARAWAN O KAPISTAHAN. GINAGANAP BILANG PARANGAL SA ISANG PANAUHIN O MAY KAARAWAN.
  4. 6. KAUNA-UNAHANG BALARILANG ILOKO NA ISINULAT NI FRANSCISCO LOPEZ.
  5. 7. LAYUNIN NG DULANG ITO NA MAGPAKITA NG PAGGALANG, PAGPURI AT PAG-AAALAY NG PAGMAMAHAL SA MAHAL NA KRUS NA NAKUHA NI STA. ELENA SA BUNDOK NA TINIBAG.
  6. 8. ISANG PAGTATANGHAL NA ISINASAGAWA BAGO MAG-ALAS DOSE NG GABI NG KAPASKUHAN. NATUTUNGKOL SA PAGHAHANAP NG MATUTULUYAN NG BIRHENG MARIA AT NI JOSE UPANG DOON ILUWAL ANG SANGGOL NA SI HESUKRISTO.
  7. 10. LARO NG MGA TAU-TAUHANG GINAGAMPANAN NG MGA ANINONG GINAWA MULA SA KARTON, NA PINANONOOD NA GUMAGALAW SA LIKOD NG ISANG PUTING TABING AT PINAGAGALAW NAMAN NG TAONG DI NAKIKITA NA SIYANG RING NAGSASALITA.
  8. 11. pagtatanghal ITO NA NATUTUNGKOL SA BUHAY AT PAGPAPAKASAKIT NG ATING POONG SI HESUKRISTO.
  9. 12. AKLAT NA NATUTUNGKOL SA BUHAY AT PAGPAPAKASAKIT NI HESUKRISTO . BINABASA TUWING MAHAL NA ARAW.
  10. 14. DALA ITO NG MGA KASTILA UPANG IPAKITA AT IPAALALA ANG PAGHAHANAP NI STA. ELENA SA KINAMATAYANG KRUS NI HESUS SA PAMAMAGITAN NG PAGTITIBAG NG BUNDOK-BUNDUKAN.
  11. 17. ISANG MELODRAMA O DULANG MUSIKAL NA TATATLUHING YUGTO. ANG PAKSA AY TUNGKOL SA PAG-IBG, PANGHIHIGANTI, PANINIBUGHO, PAGKASUKLAM AT IBA PANG MASIDHING DAMDAMIN.
  12. 19. IKALAWANG AKLAT NA NALIMBAG SA FILIPINAS. AKDA ITO NI PADRE BLANCAS DE SAN JOSE NOONG 1602. NAGLALAMAN ITO NG TALAMBUHAY NG MGA SANTO, NOBENA, AT MGA TANONG AT SAGOT SA RELIHIYON.