Activity #1: Soviet Union - Sardonyx
Across
- 4. Ang huling Tzar ng Russia.
- 7. BRESTLITOVSK Kasunduan sa pagitan ng Bolsheviks at Germany na nagtapos sa paglahok ng Russia sa World War I.
- 12. Ang mistikong monghe na naging malapit sa pamilya ni Tzar Nicholas II.
- 13. Ang tawag sa parliyamentong itinatag ni Nicholas II matapos ang 1905 Rebolusyon.
- 14. Ang sistemang politikal na ipinalit sa monarkiya sa Russia noong 1917.
- 18. Ang lungsod kung saan nagsimula ang 1917 Rebolusyon sa Russia.
- 19. Ang pumalit kay Lenin bilang pinuno ng Soviet Union.
- 21. Ang pangunahing pinuno ng Rebolusyong Bolshevik.
- 22. Ang unang lihim na pulis ng mga Bolsheviks, na tumutugis sa mga kontra-rebolusyonaryo.
- 23. Ang patakarang pang-ekonomiya ng Bolsheviks na nagbigay ng kontrol sa estado sa industriya at agrikultura.
- 24. Ang gusaling sinalakay ng Bolsheviks noong Nobyembre 1917.
- 25. Ang tawag sa mga alipin na magsasaka sa Russia bago ang rebolusyon.
Down
- 1. Ang apelyido ng pamilyang naghahari sa Russia ng mahigit 300 taon.
- 2. Ang grupo ng mga kalaban ng Bolsheviks sa Russian Civil War.
- 3. Ang gobyernong pansamantalang pumalit matapos ang pagbagsak ni Tzar Nicholas II.
- 5. Ang bansang Asyano na tinalo ang Russia noong Russo-Japanese War.
- 6. Ang sistemang pampolitika na namayani sa Soviet Union matapos ang rebolusyon.
- 8. Ang tawag sa mga sundalo ng Bolsheviks sa Russian Civil War.
- 9. Ang dokumentong pinirmahan ni Tzar Nicholas II para sa ilang reporma noong 1905.
- 10. Ang tawag sa mga lokal na konseho ng mga manggagawa at sundalo sa Russia.
- 11. Ang digmaan kung saan natalo ang Russia kaya pinalaya ang mga serf.
- 15. Ang programang ipinatupad ni Lenin para muling buhayin ang ekonomiya ng Soviet Union matapos ang digmaan.
- 16. Ang opisyal ng Red Army na tumulong sa tagumpay ng Bolsheviks.
- 17. Ang teoryang pampulitika na isinulong ni Karl Marx.
- 20. Ang grupong rebolusyonaryong radikal na pinamunuan ni Lenin.