Across
- 4. Unang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino.
- 5. Taong dalubhasa sa paggawa ng mga kagamitang yari sa bakal, tulad ng sandata at iba pang kagamitan.
- 8. Pangunahing pagkain ng mga Pilipino na itinuturing na pinagmumulan ng ginhawa.
- 9. Pinaniniwalaang pinakamataas na diyos ng mga Tagalog na matatagpuan sa Kaitaasan.
- 11. Nilalang na maaaring maghiwalay ng katawan, lalo na ang itaas na bahagi, at lumipad gamit ang pakpak.
- 12. Ibang tawag sa “Maharlika,” ang ikalawang antas sa lipunan ng sinaunang pamayanang Pilipino.
- 13. Nilalang na may katawan ng tao at ulo o katangiang parang kabayo.
- 18. Nagsisilbing punong-ministro ng datu at kadalasan ay isang nakatatanda.
- 19. Tinaguriang pinuno sa aspektong pampolitika at pang-ekonomiya.
- 21. Itinuturing na pinunong panteknolohiya ng sinaunang pamayanan.
- 23. Nagsisilbing tagakolekta ng buwis ng barangay o tagapangasiwa ng yaman ng mga Datu.
- 24. Nag-uugnay sa pagitan ng sansinukob at kailaliman.
Down
- 1. Uri ng anting-anting na may ukit o nakasulat na dasal para sa pagbibigay ng lakas at kaligtasan.
- 2. Tawag sa ikatlong bahagi ng pagpapanahon ni Zeus Salazar sa kasaysayan ng Pilipinas.
- 3. Haligi ng sinaunang pamayanan na nagsisilbing pinunong panrelihiyon, pangkalinangan, at pangkalusugan.
- 6. Sa ________ nut na halaman nagmumula ang moma na bahagi ng kultura ng mga Cordilleran.
- 7. Tawag sa mga baganing nakikidigma sa lupa o kumukuha ng ginhawa sa kalupaan.
- 10. Lugar kung saan matatagpuan ang sinaunang inskripsiyong may kaugnayan sa isang legal na dokumento tungkol sa pagkakautang at pagpapawalang-bisa nito.
- 14. Haligi ng sinaunang pamayanang Pilipino na nagsisilbing pinunong pangmilitar.
- 15. Od Kilalang mambabatok na mula sa Kalinga.
- 16. Tawag sa babaylan sa mga Ifugao.
- 17. Tawag sa panday-sa-________ na gumagawa ng espada.
- 18. Nakakatakot at mapaminsalang nilalang na maaaring mag-anyong tao ngunit may supernatural na kakayahan.
- 20. Itinuturing na pisikal na mundo na napapagitnaan ng Kaitaasan at Kailaliman.
- 22. Sa ________ Cave natagpuan ang Manunggul Jar sa Palawan.
