Across
- 1. isang kilalang human rights activist. Siya rin ang nagtatag sa HRAC.
- 3. 1 dito inilahad ang likas na karapatan ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya.
- 8. tumutukoy ito sa tungkulin ng tao na itaguyod ang mga karapatan ng ibang tao.
- 10. ito ay naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng kapayapaan.
- 12. itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban para sa karapatang pantao sa Asya.
- 16. naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang pantao sa buong daigdig.
- 17. ayon dito pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao.
- 21. ito ay naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan. Na lagdaan ito matapos wakasan ang kapangyarihan ng Haring Louis XVI.
- 23. binubuo ito ng mga karapatang sibil at pulitikal.
- 24. dito dinitalye ang mga karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural.
- 26. siya ang nanguna upang maitatag ang Human Rights Commission. Siya ang asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt.
- 27. dokumentong naipatupad nang itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission.
- 28. isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin, ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman. Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.
- 29. ito ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan siya ay ginawaran ng mga karapatan at tutungkulin.
- 30. ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Down
- 2. sinakop niya ang lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili ng sariling relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantay- pantay ng lahat ng lahi.
- 4. isinagawa ang isang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States. Na may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
- 5. ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
- 6. nakatala ito sa isang baked-clay cylinder. Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
- 7. hari ng England na sapilitang lumagda sa isang dokumentong naglalahad ng mga karapatan ng mga taga-England.
- 9. ito ay isang quasi-judicial body na pinasinayaan noong 1987 sa Ethiopia. Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang karapatan ng mga tao at magbigay ng interpretasyon sa African Charter on Human and People’s Rights.
- 11. ito ay isa sa mahalagang dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwalna may kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao.
- 13. mga karapatang ipinagkaloob at pinanga-ngalagaan ng Estado.
- 14. ito ay binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
- 15. ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan.
- 18. ito ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto nito ay “It is better to light a candle than to curse the darkness.”
- 19. mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.
- 20. ipinatupad noong Disyembre 15, 1791. Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan at maging ang iba pang taong nanirahan sa bansa.
- 22. mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.
- 25. pangunahing layunin ng pandaigdigang samahang ito na itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga taong walang gaanong boses sa lipunan at pamahalaan.
