Across
- 3. Isang kalagayan ng paggawa kung saan hindi tugma ang kwalipikasyon at kakayahan ng isang manggagawa sa pinapasukang nitong trabaho.
- 6. Angpagiging trade employee o exchange student ay lubhang makatutulong na maging globally competitive ang kompanya o paaralan.
- 10. Nalalason ang mga magagaling na empleyado ng bansa upang pasukin ang mga hanapbuhay na hindi pangmatagalan atI sa mababang posisyon sa kompanya.
- 14. Mga kompanyang itinatag sa ibang bansa, ang kanilang ibinebentang produkto at serbisyo ay pangangailangang lokal.
- 15. Tawag sa mga taong lumilipat ng lugar.
- 16. Mamamayan na nagtungo sa ibang bansa na may kaukulang permiso at papeles upang doon mag trabaho o manirahan sa takdang panahon.
- 17. Bilang ng nandarayuhan na naninirahan sa bansang nalilipatan. Ito ay nakatutulong na masuri ang matagalang epekto ng migrasyon sa pagdami ng populasyon.
- 18. Manggagawa na tinatanggap o kinukuha sa isang partikular na panahaon.
- 19. Nangangahulugang proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba't ibang direksyon na nararanasan sa iba't ibang panig ng daigdig.
- 20. Isang paraan ng mga namumuhunan o kapitalista upang mapalaki ang kanilang kita at tubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
Down
- 1. Kampanyang namumuhunan sa ibang bansa.
- 2. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawawa kung saan ang kompanya ay kumokontrata ng isang ahensya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang produkto o serbisyo sa isang takdang panahon.
- 4. Mga hanapbuhay na nakabase sa tubig tulad ng seaman, cruise ship crews at iba pang empleyado ng mga barko at iba pang sasakyang pandagat.
- 5. Uri ng hanapbuhay na nakabase sa lupa tulad ng kasambahay, manggagawa sa pabrika at iba pa.
- 7. Ito ang pandarayuhang hangad na manirahan sa bansang kanyang nilipatan.
- 8. Manggagawa na gumaganap sa gawaing pangkaraniwang kailangan ng nagmamay-ari at tumagal o umabot na ng isang taon sa trabaho.
- 9. Manggagawa na mahalaga ang trabaho sa kompanya ngunit hindi kasinghalaga ng mga regular na empleyado.
- 11. Ang migrasyon sa loob lamang ng bansa. Maaaring magmula sa isang bayan, probinsya o ibang rehiyon.
- 12. Ito ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat ng isang mamamayan mula sa kanyang lugar papunta sa ibang destinasyon na maaaring panandalian o permanente.
- 13. Mga mamamayan na lumipat ng lugar dulot ng sigalot, problema sa kapaligiran, problemang politikal, mga sakuna at iba pang dahilan. Karaniwang tinatawag na refugees o asylum.