Across
- 3. na wika – Karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap, kadalasan ay mas malapit sa pamilyar na estilo ng pakikipag-usap.
- 4. – Isang pidgin na naging wika ng isang komunidad. Halimbawa: Chavacano, isang wika sa Zamboanga na hango sa Espanyol.
- 5. – Tumutukoy sa rehiyonal na barayti ng wika, depende sa lugar kung saan ito ginagamit. Halimbawa: Tagalog-Batangas, Cebuano-Davao.
- 6. – Barayti ng wika na ginagamit ng mga tao ayon sa kanilang lipunang kinabibilangan. Halimbawa: Jejemon, Bekimon, Conyo.
- 7. – Wika na ginagamit ayon sa propesyon o larangan. Halimbawa: Legal jargon, medical terms, o teknikal na wika.
- 9. – Wikang walang pormal na estruktura na nabubuo dahil sa pangangailangan ng komunikasyon ng dalawang taong magkaiba ang wika. Halimbawa: "Broken English."
- 11. – Kakayahan o kalakaran ng isang tao o komunidad na gumamit ng higit sa isang wika.
- 14. – Mga salitang teknikal na ginagamit ng isang tiyak na pangkat ng mga tao o propesyon. Halimbawa: IT jargon, medical jargon.
- 15. – Mga salitang pinaikli o pinasimple sa pang-araw-araw na usapan. Halimbawa: "Nasan" mula sa "Nasaan."
- 16. -ito ay wikang iba-iba ayon sa lugar, grupo, at pangangailangan ng paggamit nito. Nagkakaroon ng maraming baryasyon na wika.
- 17. – Kakayahan ng isang tao na makipag-usap sa dalawang wika nang may kahusayan.
- 19. – Barayti ng wika na ginagamit ng mga etnikong grupo. Halimbawa: Wika ng mga Aeta o Mangyan.
Down
- 1. na wika – Wika na ginagamit sa pormal na mga talakayan, dokumento, at institusyon, tulad ng edukasyon o batas.
- 2. – Wika na ginagamit sa loob ng tahanan o komunidad. Halimbawa: mga salitang ginagamit sa pamilya o baryo.
- 4. – Ang sabay-sabay na paggamit ng dalawang wika sa isang pahayag o talakayan. Halimbawa: "Let's eat na, gutom na ako."
- 8. o Estilo – Barayti ng wika batay sa konteksto ng gamit nito, gaya ng pormal, kolokyal, o teknikal.
- 10. (Slang) – Barayti ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo na karaniwang hindi pormal. Halimbawa: Jejemon o Bekimon.
- 12. – Ang personal na estilo ng pagsasalita ng isang tao. Halimbawa: Pagsasalita ni Kris Aquino o iba pang kilalang tao.
- 13. – Sitwasyon kung saan dalawang barayti ng wika ang ginagamit sa isang komunidad, ngunit may magkakaibang gamit ang bawat isa. Halimbawa: Ingles bilang pormal na wika at Filipino bilang impormal.
- 18. Franca – Wikang ginagamit bilang tulay ng komunikasyon ng mga taong magkaiba ang unang wika. Halimbawa: Filipino sa Pilipinas o Ingles sa buong mundo.