Across
- 1. barayti ng wika na walang katutubong ispiker sapagkat isa sa mga dahilan ng pag-unlad nito ay dahil sa mga pangkat ng taong hindi alam ang wika ng iba pa (hal. ang naiibang paraan ng pagta-Tagalog ng mga Intsik)
- 4. barayti ng wika na nagdudulot ng bahagyang kaibahan sa wika, hindi lamang sa paraan ng pagbigkas, kundi maging sa gramatika at bokabularyo nito
- 8. barayti ng wika na nadedebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang pangkat at naging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan
- 9. barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan
- 10. barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salitang indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay nagging pangunahing wika ng isang tiyak na lugar (hal. pinaghalong Tagalog at Espanyol: Chavacano)
- 11. barayti ng wikang ginagamit sa loob ng isang partikular na grupo (hal. katayuang sosyo-ekonomiko; kasarian)
Down
- 2. nakabatay sa personal na gamit ng wika; maaaring magsilbing 'tatak' o palatandaan ng isang tao
- 3. naglalarawan sa sitwasyong may dalawang napakaibang varayti ng wika sa loob ng isang komunidad ng mga ispiker
- 4. barayti ng wika na nalilikha ng dimensiyong heograpiko; wikang ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan
- 5. aspekto o pamamaraan ng pagbigkas na nagpapakilala sa indibidwal na tagapagsalita kung saan siya galing, rehiyunal o panlipunan man
- 6. barayti ng wika na ginagamit sa isang tiyak na konteksto (hal. sitwasyonal o okupasyonal)
- 7. espesyal na teknikal na bokabularyo ng isang larangan (hal. comorbidity sa larangan ng medisina)