Across
- 2. Batayan ng wikang pambansa o pormal na dayalekto ng ating bansa.
- 6. Ama ng Wikang Pambansa
- 9. Ito ay ang bahagi ng pananalita na nag-uugnay sa pangngalan, pandiwa, panghalip, o pang-abay sa iba pang mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay maaari ring magturo ng lugar o layon.
- 10. Bahagi ng pananalita na nagbibigay deskripsiyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari, lugar, kilos, oras, at iba pa.
- 12. Alpabeto at sistema ng pagbabaybay ng mga katutubong Pilipino bago dumating ang mga banyaga sa Pilipinas.
- 15. Kinikilalang pambansang wika ng Pilipinas ayon sa Konstitusyon ng 1987 sa panunungkulan ng dating Pangulong Corazon Aquino
- 17. Bahagi ng pananalita na naglalarawan o nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, at maging sa pang-abay rin.
- 18. Pagmamahal sa bansa isang kamalayan sa lahi na nag uugat sa pagkakaroon ng isang relihiyon,wika, kultura,kasaysayan at pagpapahalaga.
- 19. Noong ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinag-utos ng mga _____ na Tagalog ang wikang gamitin sa mga paaralan at maging sa mass media.
Down
- 1. Ang unang pagsisikap na magkaroon tayo ng isang opisyal na wika ay itinadhana sa Saligang Batas ng ___ noong 1897
- 3. Ito ay isang sistema ng pagsulat na tinuro ng mga Kastila sa mga Pilipino sa pamamagitan ng panitikang Romano upang mabisa nilang mapalaganap ang Doctrina Christiana.
- 4. Bahagi ng pananalita na ito ay mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, bagay, hayop, pook, pangyayari, at iba pa.
- 5. Ito ay ang paksa na pinag-uusapan o taga-gawa ng kilos sa pangungusap.
- 7. Pag-aaral hinggil sa isang wika na kinabibilangan ng mga pagkakasunod o pagsasaayos upang ang mga salita ay maging makabuluhang mga pangungusap.
- 8. Ibang katawagan sa mga salitang galing sa banyagang wika. Dito ginagamit ang prinsipyo sa Filipino na kung anong bigkas ay siyang baybay at kung ano ang baybay ay siyang basa.
- 10. Bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, sugnay o pangungusap.
- 11. Ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw ng simuno ng pangungusap.
- 13. Buwan kung kailan ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika
- 14. Isinulat ni Lope K. Santos na may 20 letra kung saan ang letrang “a” lamang ang idadagdag sa dulo ng bawat katinig para sa tunog nito.
- 16. Gagamiting wikang panturo sa mga paaralan batay sa Philippine Commission Batas 74