Across
- 3. Anong dinastiya sa Tsina ang gumamit ng papel at porselana?
- 7. Ang salitang ito ay may ibig sabihin na pagmamahal sa karunungan.
- 9. Ito ay isa sa mga paniniwala ng mga Hindu na kung saan sinasabi na ang bawat aksyon ay may kaakibat na parusa o gantimpala.
- 12. Ano ang pinakaunang Imperyo sa daigdig?
- 14. Ito ang imperyo sa Mesopotamia na nanguna sa paggamit ng barya.
- 15. Ito ang tawag sa templong itinatag ng mga Sumerian na kinilala bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa.
- 16. Ito ang pangalan ng Mesopotamia sa kasalukuyan.
- 17. Anong relihiyon o pilosopiya sa Asya na titingnan ang mga babae na nagbabawas sa kaban ng pamilya samantalang ang mga lalaki ang nagdaragdag dito?
- 18. Dito sa imperyong ito naganap ang Golden Age o ginintuang panahon ng sinaunang India.
- 19. Ito ay salitang Latin na nangangahulugang pagbuklurin.
- 20. Anong kabihasnan sa Kanlurang Asya na may isang katibayan na mataas ang tingin sa babae dahil sa malaking papel ng reyna?
Down
- 1. Saang dinastiya nagkaroon ng sistema ng legalism o nagsasaad ng kailangan ng malulupit na parusa at mahigpit na batas para maabot ang kaayusan?
- 2. Anong kabihasnan sa Mesopotamia ang gumamit ng bakal na mas matibay kung ihahambing sa tanso?
- 4. Tawag sa paniniwala at pagsamba sa maraming diyos.
- 5. Nangangahulugan itong banal na kaalaman.
- 6. Ang kinikilalang tagapagtatag ng Hinduismo.
- 8. Ito ang isang salin sa pangalan ni Zoroaster.
- 10. Anong kabihasnan sa Mesopotamia ang gumamit ng salapi sa pakikipagkalakalan?
- 11. Ito ang tawag sa nabuong sistema ng pagsulat sa kabihasnang Indus.
- 13. Ito ang wika na dala ng mga Indo-Aryan sa loob ng 100 taon.
