Across
- 4. - mga nagsisilbing tagapamagitan sa pagitan ng mga tao at ng mga espiritu. Sila rin ang nangunguna sa mga ritwal at nagsisilbing manggagamot.
- 6. – tawag ng mga Tagalog sa kanilang pinakamataas na diyos. (Katumbas ni Apo Kabunian sa Igorot at Laon sa Bisaya).
- 8. Ang proseso ng pagpreserba sa katawan ng yumao upang hindi ito mabulok, isang tradisyong tanyag sa Kabayan, Benguet.
- 9. – tawag ng mga Espanyol sa sinaunang paniniwala ng mga Pilipino sa mga anito o kaluluwa ng mga yumaong kamag-anak at espiritu ng kalikasan.
Down
- 1. Ang dote o halaga ng yamang ibinibigay ng pamilya ng lalaki sa pamilya ng babae bago ang kanilang pagpapakasal.
- 2. – Mga bangang libingan na may disenyo ng katawan at mukha ng tao, gaya ng mga natagpuan sa Maitum, Sarangani.
- 3. – Mga pangyayari sa kalikasan na pinaniniwalaang nagbabadya ng suwerte o sakuna, gaya ng pagdaan ng butiki o paglipad ng ibong tigmamanukan.
- 5. Isang sikat na secondary burial jar mula sa Palawan na may disenyo ng bangka sa takip, na sumisimbolo sa pagtawid ng kaluluwa sa kabilang-buhay.
- 7. – paniniwala na ang lahat ng bagay sa kapaligiran, gaya ng mga puno, bundok, at hayop, ay may sariling kaluluwa o espiritu.
