Across
- 3. Ito ay tawag sa pinagsama-samang taludtod.
- 10. Ito ay isang tulang liriko na ipinapatungkol sa isang namatay.
- 11. dulang may kasiya-siyang wakas para sa pangunahing tauhan.
- 12. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap.
- 13. Uri ng dula na karaniwang ipinalalabas sa lansangan.
- 15. tumutukoy sa isang linya ng mga salita sa tula.
- 16. Uri ng tula na nagsalaysay ng kwento.
- 18. Ito ay tumutukoy sa paggamit sa tula ng matalinhagang pananalita at mga tayutay.
- 21. Ito ang pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa isang saknong ng tula.
- 22. Ito ay ang mga pagpapahalaga na itinuturo ng bawat akda.
- 23. isang mahabang likhang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayaring pinagkabit- kabit sa pamamagitan ng isang mahusay na balangkas na ang pangunahing layunin ay maipalabas ang hangarin ng kapwa bida at katunggali nito sa isang malikhaing pagsasalaysay ng mga kawil na pangyayari ayon sa pagkakasunod at pagkakaugnay nito.
Down
- 1. Itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging ang kanyang pagbubulay-bulay.
- 2. Isang masining na pagpapahayag ng isip, nararamdaman,ideya,mithiin ng isang tao.
- 4. Mga kwento at mga salaysay na hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri at pag-uugali ng mga mamamayan sa isang lipunan.
- 5. Ang mga impormasyon sa buhay ng isang tao ay kanya mismong isinusulat.
- 6. tumutukoy sa panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring nakasaad sa dula.
- 7. Ang personal na impormasyon sa isinusulat ng ibang tao tungkol sa buhay ng isang personalidad.
- 8. Alegorya na mula sa Bibliya na kumakatawan sa isang katotohanan.
- 9. Ito ay may tatak ng hindi ordinaryong galing na dumaan na sa pagsubok ng panahon,na tinatawag na unibersalidad o nagpapahayag ng eternal , walang kamatayan at hindi nagbabagong galing at ganda.
- 11. ang nagbibigay–halaga sa dula.
- 14. Ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula.
- 17. Ito ay kwento na pinaniniwalaang totoong pinagmulan ng mga bagay at pook.
- 19. Sila ang bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng mga linya. Sila rin ang nagpapakita ng iba’t ibang damdamin na pinanonood ng mga tao sa tanghalan.
- 20. isang uri ng panitikan na naglalayong maitanghal sa entablado.
- 21. may layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.
