Across
- 4. Ang pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Panay
- 5. "_______ Tulog Anay" — Isang awiting bayan na ginagamit din sa mga pista at iba pang uri ng pagdiriwang maliban sa pagpapatulog ng bata
- 7. Isang tradisyon ng inuman sa Pilipinas na may pamahiin din sa kulturang Bisaya kung saan ang unang tagay ay para sa mga namayapang kaluluwa at upang maiwasan din na masapian ng demonyo kapag nalasing
- 8. Salitang Ilokano; "Salawikain" sa Tagalog
- 10. Tauhan mula sa isang tanyag na epiko ng mga Ilokano
- 11. Mas kilala ngunit impormal na tawag sa wikang Hiligaynon; tumutukoy sa mga taong nagsasalita ng wikang ito sa Kanlurang Visayas
- 13. "Ang Alamat ng Bundok _______" — Isa ito sa mga pinakatanyag na akdang pampanitikan mula sa Kabisayaan.
- 15. May kinalaman sa kabutihang asal (Hindi ito epiko); mas kilala ngayon bilang Kinaray-a (wika ng mga taga-Antique) at itinuturing inang-wika ng tatlong wikang Panay, kabilang ang Bisaya at Hiligaynon
Down
- 1. Kilala ito sa Hiligaynon bilang "Hurobaton." Ito din ang tawag sa isang aklat na matatagpuan sa Lumang Tipan ng Bibliya.
- 2. Ang Itinuturing bayani ng mga Bikolano at pangunahing tauhan ng "Epiko ng Ibalon"
- 3. Isang sikat na badeng (awit pag-ibig ng mga kalalakihan)
- 6. Kumpletuhin ang pangungusap sa wikang Bikolano: Mga _______ sinda. (Tagalog: Magaganda sila.) — Ito ang pangalan ng isa sa mga pangunahing tauhan ng "Ang Alamat ng Bulkang Mayon."
- 9. Tawag sa pinagkaisang wika at kultura ng mga Ilonggo mula sa mga lalawigan ng Iloilo, Capiz, Guimaras, at Negros Occidental
- 12. May dalawang uri ng komunidad ang mga Pangasinese: Panag-asinan at () ________. Mula sa salitang ugat na "bolo," ang kanilang pangunahing kabuhayan ay may kinalaman sa paggawa ng mga kawayan.
- 14. Salitang Ilokano na nangangahulugang "sumulat" sa wikang Tagalog
