Across
- 3. Ito ay panggagaya ng estilo ng isang manunulat. Ginagamit nito ang estilo ng pagpapatawa subalit ang totooy pangungutya ang intensiyon.
- 6. Sa Panahon ng Propaganda, ito ang isa sa pinakamabisang paraan ng pagmumulat sa kamalayan ng bayan kung kaya maraming manunulat ang gumamit ng sandatang ito.
- 7. Elemento ng tula na magkakasintunog ang mga huling pantig ng taludtod. Nagdaragdag ito ng musikalidad sa tula.
- 8. Ito ang unang isinakatuparan ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas upang makapag-aral ang lahat.
- 9. Isang sining ng pagpapahayag na may layuning manghikayat, magpahayag ng kaisipan, at magbigay ng inspirasyon.
- 10. Ito ang nagsasalita sa tula na maaaring ang makata mismo o ibang karakter tulad ng isang bata, matanda, o kahit isang hayop.
Down
- 1. Tawag sa mga mag-aaral at kabataang nagkamit ng edukasyon sa Europa maging sa Pilipinas na miyembro ng Kilusang Propaganda.
- 2. Ito ang paggamit ng retorika na pinagsasama ang magkasalungat na salita o kaisipan sa isang pahayag.
- 4. Tawag sa 600 guro na ipinadala sa Pilipinas ng pamahalaang Amerikano.
- 5. Ito ang paggamit ng retorika na hindi tuwirang paghahambing ng isang bagay sa isa pa. Ginagamit ang mga salitang gaya, kawangis, tila, at iba pa.
