Across
- 3. Asawa ni Diego Silang na pumalit bilang pinuno sa pag-aalsang sinimulan ng kaniyang yumaong asawa.
- 5. Pambansang bayani na nagsulat ng mga nobelang El Filibusterismo at Noli Me Tangere.
- 6. Tatlong paring martir na pinagbintangan na nagsimula ng pag-aalsa sa Cavite at pinarusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng garote.
- 7. Asawa ni Bonifacio at kinilala bilang Lakambini ng Katipunan.
- 10. Buwis na binabayad ng mga Pilipino (maaaring salapi, ari-arian, at ani).
- 12. Tawag sa sistema ng kalakalan na nag-uugnay sa Maynila at Acapulco.
- 14. Tawag sa halaga na maaaring ibayad upang makaiwas sa Polo Y Servicio.
- 15. Sumali sa katipunan nang siya ay bata pa lamang. Siya ang may-akda ng Kartilya ng Katipunan.
- 17. Siya ay naging bahagi ng Confradia de San Jose na tagapagtanggol ng kalayaan sa pananampalataya.
- 18. Babaeng bayani na binuksan ang kaniyang tahanan at tumulong sa pagpapakain sa mga katipunero.
- 19. Pinuno ng KKK (Kataastaasan,Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan).
Down
- 1. Siya ay isang bayani mula Pangasinan na tumutol sa mabigat na tributo at sapilitang paggawa.
- 2. Tawag sa mga manggagawang sapilitang pinagtatrabaho.
- 4. Babaylan mula Bohol na nakipaglaban para sa katutubong pananampalataya.
- 8. Sistema na nag-uutos sa mga mamamayan na magbayad ng tributo.
- 9. Isang bayani mula sa Samar na nagsimula ng pag-aalsa bilang pagtutol sa pagpapadala ng kaniyang mga kakabayan sa Cavite para gumawa ng barko.
- 11. Isang Datu mula Leyte na naghangad na ibalik ang katutubong pananampalataya at wakasan ang kapangyarihang Espanyol.
- 13. Isang Datu mula Leyte na naghikayat ng paglaban sa mga Espanyol sa Cebu.
- 15. Bayani at manunulat na nagtatag ng pahayagang La Solidaridad.
- 16. Bayani mula Bohol na nagsimula ng pag-aalsa na may kinalaman sa pagkamatay ng kaniyang kapatid at sa pagtanggi ng simbahan na basbasan ang bangkay nito.
