Palaisipan

12345678910111213141516171819202122232425
Across
  1. 1. - Anong uri ng tula ang nagmula sa Italya?
  2. 5. - Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na mensahe ng isang teksto sa ibang wika o diyalekto?
  3. 10. - Anong anyo ng tula ang may sukat, tugma, at mga salitang may malalim na kahulugan?
  4. 11. - Ano ang anyo ng panitikan na inihanda at maaaring basahin?
  5. 12. - Ano ang tawag sa paglalabanan ng pangunahing tauhan at pwersang sumasalungat sa kanya?
  6. 13. - Ano ang sanaysay batay sa tunay na pangyayari na may mga pagpapaliwanag, sanligan, at impresyon ng sumulat?
  7. 16. - Anong anyo ng tula ang walang sukat at tugma?
  8. 18. - Ano ang tawag sa pagsusuri o rebyu ng binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling kwento, at iba pa?
  9. 22. - Ano ang elemento ng nobela na tumutukoy sa estruktura nito?
  10. 24. - Sino ang kumupkop kay Basilio, ama-amahan ni Maria Clara, at mayamang tauhan na nagkaroon ng magarang burol at libing?
  11. 25. - Ano ang anyo ng social media kung saan maaaring makipag-ugnayan sa mga miyembro nito?
Down
  1. 2. - Ano ang uri ng prosa na binubuo ng mga kawil ng pangyayari?
  2. 3. - Anong uri ng pagpapahayag ang may layuning magkuwento ng mga pangyayari?
  3. 4. - Ano ang pakikipagtalong may estruktura?
  4. 6. - Anong uri ng panitikan ang nahahati sa ilang yugto na maraming tagpo at itinatanghal sa entablado?
  5. 7. - Ano ang anyong panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin?
  6. 8. - Ano ang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng isang napapanahong pangyayari upang magbigay kaalaman, makapanghikayat, o manlibang?
  7. 9. - Sino ang anak ni Kabesang Tales, apo ni Tandang Selo, kasintahan ni Basilio, at nagpakamatay matapos halayin ni Padre Camorra?
  8. 14. - Ano ang maaaring mahahalintulad sa isang pansariling journal o talaarawan na ibinabahagi sa buong mundo?
  9. 15. - Ano ang agham o pag-aaral ng mga mito at alamat?
  10. 17. - Sino ang nagbabalik bilang Juan Crisostomo Ibarra sa El Filibusterismo at isang mag-aalahas?
  11. 19. - Ano ang uri ng akda na nasa anyong tuluyan?
  12. 20. - Ano ang kwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao?
  13. 21. - Sino ang kasintahan ni Huli na isang mag-aaral ng medisina at napapayag ni Simoun na sumapi sa kanya?
  14. 23. - Sino ang tamad na mag-aaral na mahilig magdahilan ng sakit upang hindi pumasok sa paaralan?