Palaisipan

123456789101112131415161718
Across
  1. 3. Ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.
  2. 8. Mga bagay na mahalaga sa pananatili ng buhay ng tao.
  3. 11. Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo.
  4. 14. Nauukol sa pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto ng ibang tao.
  5. 15. Ito ay ang organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal na sumasang-ayong paghatian ang mga kita at pagkalugi ng isang negosyo.
  6. 16. Negosyo na pagaari at pinamamahalaan ng isang tao.
  7. 17. Kabilang dito ang mga bayolohikal na pangangailangan sa pagkain, tubig, hangin, at tulog.
  8. 18. Maaaring tugunan o hindi tugunan sapagkat hindi nakasalalay ang buhay ng tao dito.
Down
  1. 1. Pinakamataas na antas sa hirarkiya. Dito ang tao ay may kamalayan hindi lamang sa kanyang sariling potensyal ngunit higit sa lahat sa kabuuang potensyal ng tao.
  2. 2. Ito ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala.
  3. 4. Limitado ang paglahok ng pamahalaan at nalalapatan din ng konsepto ng libreng merkado.
  4. 5. Ito ang pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo. Ito ay may mga legal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng mga taong nagmamay-ari, kumokontrol at nagpapatakbo rito.
  5. 6. Tawag sa taong gumagawa ng paraan upang pagsama-samahin ang mga naunang salik ng produksyon upang mabuo ang isang produktong maaring makatugon sa pangangailangan ng tao.
  6. 7. Tumutukoy sa pagkilala ng mga bagay o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga tao.
  7. 9. Tumutukoy sa anumang gawain na pang-ekonomiya na may layuning kumita at tumubo.
  8. 10. Ang produksiyon at distribusyon ng mga produkto at serbisyo ay nagaganap sa mekanismo ng malayang pamilihan na ginagabayan ng isang sistema ng malayang pagtatakda ng halaga.
  9. 12. Isang Amerikanong psychologist na nagpanukala ng hirarkiya ng mga pangangailangan ng tao.
  10. 13. Sumasaklaw ito sa lahat ng orihinal at lahat ng hindi mapapalitang yaman ng kalikasan.