4TH GRADING

123456789101112131415161718192021222324252627282930
Across
  1. 3. ito ay mga POs na itinayo mula sa inisyatibo ng mamamayan at hindi ng pamahalaan.
  2. 6. isang panukat na binuo ng Economist Intelligence Unit na tumutukoy sa kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo
  3. 8. mga karapatan na magbibigay-proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa ano mang krimen.
  4. 9. binubuo ng mga propesyonal at ng mga galing sa sektor ng akademiya.
  5. 11. asawa ng yumaong na si Pangulong Franklin Roosevelt; pinangunahan ang pagtatag ng UDHR.
  6. 13. ALEGRE lungsod sa Brazil na nagpasimula ng participatory governance.
  7. 15. prosesong pinagdaraanan ng isang dayuhang nagnanais maging mamamayan ng isang estado.
  8. 18. kusang loob na pagbabalik sa dating pagkamamamayan.
  9. 20. isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay.
  10. 22. mga POs na binuo ng pamahalaan.
  11. 23. mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
  12. 25. pinakamahalagang elemento ng estado.
  13. 27. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
  14. 29. isang sektor ng lipunang hiwalay sa Estado; binubuo ito ng mamamayang nakikilahok sa mga kilos-protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organization/ People’s Organization.
  15. 30. tawag sa mga lungsod-estado ng sinaunang Greece na binubuo ng mga citizen na limitado lamang sa kalalakihan.
Down
  1. 1. pinangungunahan ng mga karaniwang mamamayan at hindi ng mga opisyal ng pamahalaan ang mga samahang ito.
  2. 2. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang.
  3. 4. isang katipunan ng mga pangunahing simulain, pamantayan at doktrinang dapat sundin ng mga mamamayan.
  4. 5. proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao
  5. 7. kusang loob na pagtatakwil ng pagkamamamayan; hindi maaaring gawin sa panahon ng digmaan.
  6. 10. tumutukoy sa mga karapatan ng mga mamamayang Pilipino na makikita sa Artikulo III ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas
  7. 12. Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder; tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
  8. 14. karapatan o kapangyarihan ng mamamayanb na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng pamahalaan.
  9. 16. mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang ekonomikong kalagayan ng mga indibiduwal.
  10. 17. isang malayang lupon ng mga tao na permanenteng sumasakop sa isang tiyak na teritoryo.
  11. 19. pagiging miyembro ng isang samahang pampolitika at may karapatang sibil at politikal.
  12. 21. isang abogado; naglahad ng labindalawang gawaing maaaring makatulong sa ating bansa.
  13. 24. katiwalian sa paggamit sa posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.
  14. 26. may ligal na basihan na naayon sa batas na itinakda at pinagtibay bilang gabay na dapat sundin at ipatupad.
  15. 28. isang pananaw sa pagkamamamayan; igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan.