Across
- 1. Sistemang pangkalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco na nag-ugnay sa Pilipinas at Mexico.
- 5. Patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kontrol at impluwensiya nito sa ibang mga lupain.
- 9. Mga digmaang sibil (Kastilang maka-autokratiko laban sa mga makaliberal) sa Espanya na naganap dahil sa tunggalian tungkol sa paghalili sa trono.
- 10. Sistemang panlipunan at pampolitika sa Europa kung saan ang lupa at kapangyarihan ay hawak ng mga "landlord".
- 13. Tawag sa mga paring kabilang sa mga orden ng relihiyoso na nagkaroon ng malaking kapangyarihan sa Pilipinas.
- 15. Pinakamataas na kinatawan ng hari ng Espanya at pinuno ng kolonyal na pamahalaan sa Pilipinas.
- 16. Sapilitang paggawa ng mga kalalakihang Pilipino para sa mga proyekto ng pamahalaang Espanyol.
- 18. Dating pangalan ng Taiwan na naging bahagi ng pagpapalawak ng kapangyarihan ng mga bansa noong ika-19 na siglo.
- 19. Labanan sa Mexico noong 1867 na nagwakas sa pamamahala ni Maximilian I bilang emperador.
- 20. Sistemang tumutukoy sa malaking impluwensiya at kapangyarihan ng mga prayle sa pamahalaan at lipunang Pilipino.
Down
- 2. Mga digmaan sa pagitan ng China at mga Kanluraning bansa na may kaugnayan sa kalakalan ng opyo.
- 3. Pangunahing sentro ng kalakalan at pamahalaan sa Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol.
- 4. Paniniwalang dapat maliit lamang ang pakikialam ng pamahalaan sa ekonomiya at malayang kumilos ang kalakalan.
- 6. Katawagan ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino noong panahon ng kolonyalismo. Ito ay salitang ginagamit bilang insulto sa mga Pilipino.
- 7. Mga edukado at nakapag-aral na Pilipino na naging mahalagang bahagi ng kilusang reporma noong panahon ni Rizal. Sila ay kilala bilang mga "middle-class" noong panahong ito.
- 8. Lehislatura o kapulungang gumagawa ng mga batas para sa Espanya at mga kolonya nito.
- 11. Daungan sa Mexico na naging kabilang dulo ng rutang pangkalakalan ng mga galleon mula Maynila.
- 12. Uri ng pamamahala na nagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan sa pamamagitan ng kanilang pakikilahok at pagboto.
- 14. Kilusang intelektuwal sa Europa na nagbigay-diin sa katwiran, kalayaan, at karapatan ng tao.
- 17. Puwersang pulisya ng pamahalaang Espanyol na itinatag upang panatilihin ang kaayusan sa Pilipinas.
