Across
- 5. Ang tanyag na maskara na yari sa ginto na natuklasan sa Mycenae at nagpapatunay sa mayaman at maunlad nilang kultura.
- 6. Ang metal na natutunan nang gamitin ng mga tao sa huling bahagi ng kabihasnan na mas matigas at mas matibay kaysa sa tanso at bronse.
- 7. Larawang mabilisan subalit bihasang ipininta sa mga dingding na basa ng plaster.
- 9. Ang tawag sa panahon sa kasaysayan ng Greece kung saan nawala ang sining ng pagsulat at bumagsak ang mga lungsod matapos ang paglusob ng mga Dorian.
- 11. Karagatan na bahagi o braso ng Mediterranean Sea na matatagpuan sa pagitan ng mga bansang Greece at Turkey.
- 12. Ang materyales na ginamit ng mga Minoan sa paggawa ng kanilang mga bahay, na kilala rin sa Tagalog bilang laryo.
- 14. Ang English na arkeologo na nagsagawa ng paghuhukay sa Knossos noong 1899.
Down
- 1. Ano ang salitang Latin na nangangahulugang "lupain" na pinagmulan ng salitang Mediterranean.
- 2. Ang sikat na makata na sumulat ng mga epikong Iliad at Odyssey kung saan nabanggit ang mga kabihasnang Minoan at Mycenaean.
- 3. Isang dambuhala na may ulo ng toro at katawang tao na ayon sa alamat ay naninirahan sa silong ng palasyo ng Knossos.
- 4. Isa sa mga pangunahing produktong gawa sa luwad na ipinagbibili ng mga taga-Crete sa ibang lugar.
- 6. Isang uri ng palakasan o ritwal na madalas na inilalarawan sa mga fresco ng mga Minoan kung saan sumasayaw o sumisirko sa ibabaw ng toro.
- 8. Ito ang pinakamalaki at pinakamataong isla sa mga Islang Griyego kung saan umusbong ang unang kabihasnan.
- 10. Ang lungsod na nagsilbing kabisera ng Kabihasnang Minoan.
- 13. Ang estruktura kung saan ang mga Minoan ang kinikilalang unang nakagawa nito sa buong daigdig upang pagdausan ng labanan sa boksing.
